Hello at welcome sa “Dear Ate/Kuya Confessions” ng Online Support and Education for Child Protection and Adolescent Reproductive Health!

Ang page at form na ito ay isang paraan upang makapagbahagi ka ng iyong mga karanasan nang LIGTAS, MALAYA, at WALANG PANG-HUHUSGA mula sa team ng ACTION, Inc. at Consuelo Foundation.

Maaari kang mag-share ng iyong experiences nang hindi binabanggit ang iyong pangalan, purely confidential. Maaari ka ring humingi ng payo tungkol sa iyong mga problema o karanasan bilang isang kabataan.

REMINDER: Kung gustong mag-report ng tungkol sa pang-aabuso at iba pang concern na nangangailangan ng madaliang tugon, magtext o tumawag sa 09615525853.

Maaari kang mag-send sa amin ng confessions ng iyong mga karanasan tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon bilang isang bata o nagdadalaga/nagbibinata. Puwede ka ring magtanong rito.

Ang lahat ng inyong ise-send sa amin ay mananatiling pribado, lalo na ang inyong pagkakakilanlan like pangalan, edad, at iba pa. So, don’t worry!

Kung sakali na gusto mo kaming personal na mag-reply sa iyong tanong, huwag mahiya na ilagay sa form ang link ng iyong Facebook Messenger or Facebook Name para naman masagot ka namin nang diretso, at wala nang patumpik-tumpik pa.

Maraming salamat!

Confession Form